Political analyst: Pag-atake ng PCO sa mga Duterte, nakakahiya na

Political analyst: Pag-atake ng PCO sa mga Duterte, nakakahiya na

NAKAKAHIYA na ang mga pag-atake ng gobyerno sa mga Duterte.

Ganito ilarawan ng political analyst na si Professor Malou Tiquia ang kasalukuyang ginagawa ng Presidential Communications Office (PCO).

Partikular na tinukoy ni Tiquia si Atty. Claire Castro.

Aniya, magmula nang ito’y naitalaga bilang undersecretary sa PCO ay wala nang ibang misyon si Castro kundi atakehin at siraan ang mga Duterte.

Pagdidiin pa ng propesor, wala nang ibang nakita ang PCO kundi ang pagbintangan na lang palagi ang mga Duterte sa bawat kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, isa pa sa napansin ni Tiquia ay ang pagiging tamad ni Castro.
Ayon sa propesor, hindi ito marunong mag-research.

Halimbawa nito ani Tiquia ang rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Sinabi ni Castro na hindi pa ito nakaranas ng pagkukumpuni, ngunit kung susuriin ay makikitang dalawang beses nang ni-repair ang San Juanico Bridge—noong taong 2002 at 2013.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble