Political crisis’ sa Maguindanao del Norte, kailangan ng presidential intervention—FPRRD

Political crisis’ sa Maguindanao del Norte, kailangan ng presidential intervention—FPRRD

KAILANGAN ng presidential intervention ang political crisis’ sa Mguindanao del Norte ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinahayag ni FPRRD sa kaniyang programa sa SMNI na “Gikan sa Masa Para sa Masa” na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang siyang magiging susi upang matapos na ang political crisis na kinakaharap ng Maguindanao del Norte.

“Well there is a crisis sa kanilang lugar and because of politics, may dalawang governor claiming to be the rightful meron naman na appoint o ‘yung hinati naiwan ang problema, nag appoint ang Malacañang so bale dalawang contending partners dahil nag-aagawan so there is crisis ‘yung mga empleyado hindi nila alam kung sundin nila,” paliwanag ni FPRRD.

May dalawang gobernador ang Maguindanao del Norte. Ito ay sina Fatima Ainee Sinsuat, ang nanalong bise gobernador ng Maguindanao sa nakaraang halalan at si Abdulrauf Macacua ang itinalaga naman ni Pangulong Marcos bilang OIC.

Nanindigan si Sinsuat na siya ang nararapat sa posisyon bilang gobernador ng Maguindanao del Norte alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema noong Hunyo 26.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, si Sinsuat na siyang nanalo bilang vice governor ng Maguindanao sa nakaraang 2022 elections at si Shariffudin Mastura na siyang may pinakamataas na boto bilang board member sa Sangguniang Panlalawigan ang magsisilbing gobernador at bise gobernador sa Maguindanao del Norte ngunit bilang isang officer in charge hanggang sa maganap ang susunod na halalan.

Dahil dito, nagkakaroon na ng pagkakalito ang mga tao sa kung sino ang susundin sa dalawa.

Nang hingan ng opinyon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa isyu narito ang kaniyang naging tugon.

“Alam mo, isang tawagan lang ‘yan, You know bahala na si President Marcos kung sino ang gusto niya. We leave it to his discretion but he has to act to avert this, isang tawag lang ‘yan kung sino ang paboran niya tawagan niya umalis ka diyan, kung hindi tawagan mo ang army tanggalin mo ‘yan eh di tapos na,” dagdag pa ni FPRRD.

Dagdag ng dating Pangulo, huwag nang pahabain ang krisis dahil posibleng magdulot pa ito ng mas malaking problema sa mga taga Maguindanao del Norte.

“So ‘yung mga crisis na ganun, it needs presidential intervention at once pagka ganun tawagan ko lang ang isa tingnan ko kung sino talaga who has the better right it’s a matter of law it does not need a brilliant extraordinary man to really understand the conflicting laws involve, all you have to do is to ask your law office to give you the what you should do, whatever there is the correct law or interpretation of the law huwag mong pahabain ang uncertainties and division, it will create more problem for the people,” paliwanag ni FPRRD.

Sa programa ni Atty. Salvador Panelo sa SMNI na ang “Problema Niyo, Itawag Kay Panelo” ay may mga ilang taga-Maguindanao del Norte ang humingi ng tulong sa kung papaano maayos ang problema ng pagkakaroon ng dalawang gobernador.

“Kaya yan hanggang ngayon magulo tingnan ninyo meron nang desisyon ang Korte Suprema, nagbigay na ng mandamus nag-advice naman ang mga abogado ng gobyerno teka muna wala, hindi pa naman final ‘yan eh, meron pang motion, kung anu-anong teknikalidad ang binibigay ninyo.”

“Meanwhile, nagsu-suffer ‘yung tao diyan sa Del Norte kasi ‘yung basic services niyo hindi mo maibigay kasi walang pera, ayaw mag release kasi nalilito umano sila,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo.

 Punto ng mga taga-Maguindanao del Norte, ang nasabing political crisis ang nagdudulot upang hindi makatanggap ang mga nagtra-trabaho sa munisipyo at hindi naibibigay ang iba pang serbisyo na kinakailangan.

“Sabi mo ang sweldo marami nang tiyan ang magugutom, if you will not act  promptly on it, all you have to is  presidente ka kasi ‘di sabihin mo umalis ka diyan huwag mo akong hintayin sipain kita pag dumating ako diyan sa lugar ninyo..ganun ako ‘nung presidente ako isang salita lang do not complicate matters whether you are right or you are wrong, my office ‘yung legal office sabi nila hindi ka muna diyan so tumabi ka yan ang utos ng leader,” ani Duterte.

Magugunitang sa pahayag na inilabas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isa lang ang kinikilala nilang gobernador ng Maguindanao del Norte at ito ay si Gov. Abdulrauf Macacua.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble