POSIBLENG politika ang nasa likod ng pagkabaril ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ito ang paniniwala ni Sen. JV Ejercito sa panayam ng SMNI News.
Gayunpaman ay naniniwala pa rin si Sen. Ejercito na hindi magulo ang Negros Oriental sa kabila ng pangyayaring ito.
Hiling ngayon ng senador na maging mas visible na dapat ang mga pulis dahil nakakabahala na ito para sa ordinaryong mamamayan.
Aniya, dapat mapalakas pa ang intelligence group ng PNP dahil mukhang may pagkabigo sila sa naturang insidente.
Sinigundahan naman nito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tukuyin ang mga lugar na may political hotspot upang mas mabantayan itong mabuti.