Politiko, dapat makipag-ugnayan sa mga pulis para sa kanilang seguridad—mambabatas

Politiko, dapat makipag-ugnayan sa mga pulis para sa kanilang seguridad—mambabatas

POSIBLENG may pagkukulang ang Philippine National Police (PNP) sa pag-iimbestiga hinggil sa sunod-sunod na pananambang sa mga politiko.

Subalit maiintindihan din naman ayon kay House Committee on Public Order and Safety chairman Rep. Dan Fernandez sa panayam ng SMNI News, hindi ‘inter-related’ ang mga kasong ito.

Kung matatandaan, nitong buwan lang ng Pebrero ay 3 politiko na ang tinambangan.

Noong Pebrero 17, sugatan sa pananambang si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong; noong Pebrero 19 naman ay nasawi sa pananambang si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda.

Habang noong Pebrero 22 ay sugatan si Datu Montawal Mayor Ohto Montawal sa isang ambush sa Pasay.

Ang payo ngayon ni Fernandez sa mga politiko upang maiwasan ang matambangan, agaran nang makipag-coordinate sa mga pulis lalo na kung may banta na sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram