Politiko sa likod ng Smartmatic data leak, posible pero malayo — NBI

Politiko sa likod ng Smartmatic data leak, posible pero malayo — NBI

POSIBLE pero medyo malayo ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) na may politiko sa likod ng Smartmatic security breach.

Sa panayam ng SMNI News kay NBI-Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, naniniwala aniya ang kanilang hanay na gusto lang ng mga kasabwat ng dating empleyado ng Smartmatic na gumawa ng gulo.

Nauna namang pinatawan ng disciplinary action ang empleyadong sangkot umano sa insidente kung saan tinanggal na ito sa trabaho.

Samantala, kinumpirma ng Smartmatic Inc., ang service provider para sa 2022 automated elections na may nangyaring “data leak” sa kanilang system ngunit wala itong kinalaman sa 2022 election.

Ang nag-leak anila na data ay may kinalaman lang sa internal organization at activities ng Smartmatic.