Pondo ng NTF-ELCAC, nais padagdagan ni Rep. Eric Go Yap

Pondo ng NTF-ELCAC, nais padagdagan ni Rep. Eric Go Yap

NAIS padagdagan at palakihan ni Benguet Representative Eric Go Yap ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa susunod na taon.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi nitong malaking tulong ang dulot ng NTF-ELCAC sa buhay ng mga katutubo at sa pagpapaunlad ng mga malalayong barangay sa bansa.

Isang halimabawa ang pagpatatayo ng footbridge sa mga liblib at malalayong lugar sa Benguet.

Dagdag ni Yap, maraming gobernador at kongresista mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang pumupuri sa programang NTF-ELCAC ng dating administrasyong Duterte dahil malaki ang nabawas sa kanilang problema hinggil sa insurhensya sa kani-kanilang barangay.

Follow SMNI NEWS in Twitter