Pondo ng PhilHealth para sa COVID-19, napunta sa mga ospital na walang COVID-19 patient

Pondo ng PhilHealth para sa COVID-19, napunta sa mga ospital na walang COVID-19 patient

NAPUPUNTA ang bahagi ng pondo ng PhilHealth para sa COVID-19 sa mga ospital, dialysis at well centers pati na sa mga maternity clinic na malinaw na hindi tumatanggap ng mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep. Boying Remulla, may technical malversation sa panig ng PhilHealth.

Napag-alaman na tumatanggap ng pondo sa ilalim ng COVID-19 Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ang ilang mga ospital na walang ginamot na COVID patient.

P27 billion ang pondo ng PhilHealth para lamang sa COVID reimbursements na naaprubahan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

 

Nagbanta naman si Public Accounts Chairman Mike Defensor na kakasuhan nito ang PhilHealth kung mapapasama sa coverage ng COVID- IRM ang mga suspected cases ng COVID-19.

 

Pinababago naman ng mga kongresista ang polisiya ng PhilHealth sa COVID IRM reimbursements at pinabibigay lamang sa mga ospital na nanggagamot ng mga pasyente ng COVID.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.