SA kabila ng pagbawi ng maraming senador para i-deny ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill ni Senator Risa Hontiveros, patuloy ang pagkastigo ng Family Rights Group na nasa likod ng Project Dalisay na pangunahing tumutuligsa sa nasabing panukala.
Para kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, isa sa mga convenor ng National Coalition for Family and the Constitution, mas mainam aniya na pagtuunan na lamang ng pondo ng panukala at DepEd bilang implementing agency ang pagpapabuti sa Math at iba pang asignatura ng ahensiya para sa mas de kalidad na edukasyon sa bansa.
Sa kabilang banda, iginiit ni Sereno, mas marami ang dapat na paglaanan ng pansin sa pag-aaral ng mga bata kaysa gumastos ng malaki na labag naman hindi lang sa kultura ng pamilyang Pilipino kundi sa malaking prosyento ng paniniwala o pananampalataya ng mayorya ng mga Pilipino.
Matatandaang, kilala aniya ang mga Pilipino bilang konserbatibo at hindi pinapayagan ang mga paghipo o pakikipagtalik nang hindi pa kasal kaya ganoon na lamang ang pagtutol nila sa panukala na nagpapahintulot ng sexual explorations para sa mga edad 6 pataas.
Hindi rin naniniwala si Sereno na mapipigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis dahil sa panukala ni Hontiveros.