Pondo para sa 2021 budget, malaking hamon sa pamahalaan —Speaker Cayetano

Pondo para sa 2021 budget, malaking hamon sa pamahalaan —Speaker Cayetano

NGAYON pa lamang ay nakikita ni House Speaker Alan Peter Cayetano na malaking pagsubok ang haharapin ng mga kongresista sa pagbalanse ng 2021 National Budget.

Paliwanag ni Cayetano, malaking hamon kung paano babalansehin ang pagbibigay ng trabaho habang kailangan din namang mapanatiling mapababa ang kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Sa ngayon ay kinokonsidera ng gobyerno na palakasin ang infrastructure spending sa ilalim ng Build-Build-Build Program upang makapagbigay trabaho at maibalik ang sigla ng ekonomiya.

Aprubado na ni Pangulong Duterte ang P4.5 trillion na budget sa 2021 pero hamon ngayon sa pamahalaan, saan kukunin ang pambansang pondo?

Nakikita naman ng House Speaker na mas malaki ang budget para sa susunod na taon na ibibigay sa Department of Health para sa COVID- 19 response.

Lalo na’t ngayon lamang natukoy ang mahinang health care system ng bansa.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.