INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang aabot sa 1.5 billion dollars para sa Pakistan.
Ayon kay Pakistan Finance Minister Ishaq Dar, gagamitin ito bilang pondo sa naging apektado ng baha sa kanilang bansa kamakailan.
Ang pondo ay sa ilalim ng BRACE Programme ng ADB at inaasahang ire-release na ito sa susunod na linggo.
Matatandaang 1,700 ang nasawi dahil sa pagbaha at pagkatunaw ng glaciers sa Northern Gilgit-Batistan Region noong nakaraang buwan.
Nagkakahalaga rin ng 30 billion dollars ang kabuoang pinsala nito sa ekonomiya.