Pondo sa ibinasurang panukala ni Hontiveros, dapat ilaan na lang sa Math at Science programs ng DepEd—CJ Sereno

Pondo sa ibinasurang panukala ni Hontiveros, dapat ilaan na lang sa Math at Science programs ng DepEd—CJ Sereno

PARA kay former Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, mas mainam na maglaan na lang ng pondo sa pagpapabuti sa Math at iba pang asignatura ng Department of Education (DepEd) para sa mas de-kalidad na edukasyon sa bansa kaysa sa panukala ni Sen. Risa Hontiveros. Isa si Sereno sa mga convenor ng National Coalition for Family and the Constitution, ang pangunahing grupo na kumakastigo sa binasurang panukalang Adolescent Pregnancy Prevention Bill ni Hontiveros.

Naniniwala si Sereno na sayang ang pera ng taumbayan na ibinibigay sa mga programa na taliwas naman sa paniniwala ng nakararaming pamilyang Pilipino.

Kaya naman sa kabila ng pagtutol ng maraming senador sa panukala, hindi pa rin bibitiw ang grupo ni Sereno para bantayan ang mga panukalang labag sa Konstitusyon ng bansa.

Bukod sa panukala, nakikita rin ng dating punong mahistrado ang mga lalabagin ng DepEd sakaling maisakatuparan ang mga dagdag na probisyon sa Comprehensive Sexual Education.

Labag din ito sa Reproductive Health Law dahil sa pagpapahintulot na turuan at gumawa ang isang 10-taong gulang pababa ng mga bagay na dapat may pahintulot ng magulang.

Kilala ang mga Pilipino bilang konserbatibo at hindi pinapayagan ang mga paghipo o pakikipagtalik nang hindi pa kasal kaya ganoon na lang ang pagtutol nila sa panukala na nagpapahintulot ng sexual explorations para sa mga edad 6 na taong gulang pataas.

Hindi rin naniniwala si Sereno na mapipigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis dahil sa nabasurang panukala ni Hontiveros.

Samantala, nauna nang binawi ng pitong senador ang kanilang pirma mula sa committee report sa Senate Bill 1979 matapos itong umani ng mga batikos sa ilang probisyon sa panukala ni Hontiveros.

Ayon sa kanila, marami pa anila ang mas mahalagang mga panukala na dapat tutukan ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble