INAPRUBAHAN na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng pooled testing upang mag-detect ng COVID-19 sa grupo ng mga indibidwal na low risk of infection.
Pahayag ni testing czar Vince Dizon, ang pagsasama-sama ng swab samples ng hanggang 5 indibidwal na isasalang sa iisang RT-PCR testing kit ay isang hakbang na makatutulong upang mapababa ang gastos sa swab tests.
Sa loob aniya ng guidelines ng DOH ay maaari na itong gamitin sa sitwasyon na mababa ang incidence ng potensyal ng pagkakahawa ng virus.
Kabilang aniya sa clear case na paggagamitan ng pooled testing ay sa mga returning overseas Filipino workers (OFWs).
Sa ilalim ng pool testing, kung ang resulta ng isang batch ay negative ibig sabihin ay lahat ng indibidwal dito ay negatibo sa virus habang kung nagpositibo naman ang resulta ng pooled test ibig sabihin at 1 o higit pa ang positibo kung kaya isasailalim mula ang bawat miyembro ng batch sa panibagong test.
Magugunitang noong Setyembre nang mapili ang Makati City bilang pilot areas para sa pooled test.