BUMABA ng dalawang milyon ang populasyon ng China noong taong 2023.
Kasunod ito sa dalawang sunud-sunod na taon na tumataas ang mga namamatay sa bansa matapos tinanggal ang mga panuntunan kaugnay sa COVID pandemic.
Tinatayang sa death toll pa lang ng COVID ay umabot na ito sa 1.4 hanggang 1.9-M.
Ayon sa datos ng United Nations, nasa ikalawang puwesto na lang ang nabanggit na bansa noong nakaraan taon at kasalukuyang nangunguna ang India.
Samantala, maliban sa mataas na death toll ay nasa ikapitong taon na rin na mababa lang ang bilang ng mga ipinapanganak sa China.
Maaaring ito na ayon sa mga eksperto ang isa sa mga resulta sa “One Child Policy” na ipinapatupad noon ng bansa.
Noong taong 2015 hanggang 2016 at 2021 ay pinapahintulutan na ang isang pamilya na maraming anak doon subalit hindi pa rin ito nagkaroon ng magandang resulta.