Pork products mula Cebu, pansamantalang ipinagbabawal sa Bohol

Pork products mula Cebu, pansamantalang ipinagbabawal sa Bohol

NAGPATUPAD na ang lokal na pamahalaan ng Bohol ng ban sa lahat ng produktong baboy mula sa Cebu bilang hakbang upang maiwasan ang African swine fever (ASF) outbreak sa lalawigan.

Sa pahayag ni Governor Aris Aumentado, kahit na ang mga imported na baboy na may katunayang nanggaling ito sa mga bansang walang ASF ay hindi rin papasukin sa Bohol kung dumaan ang mga ito ng Cebu.

Kaugnay nito, iminungkahi ng gobernador sa mga nagrereklamong restaurant at meat processing establishments na umaasa sa imported meat na padaanin ang kanilang mga suplay ng karne sa ibang lugar tulad ng Cagayan de Oro City sa halip na sa Cebu.

Ani Aumentado, ang hakbang na ito ay upang maprotektahan ang 8 bilyong pisong hog industry ng probinsiya.

Iginiit din ng gobernador na ang Bohol na lamang ang natitirang probinsiya sa Central Visayas na walang kaso ng ASF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter