SA nagpapatuloy na NBA regular season, tinambakan ng Portland Trail Blazers ang Denver Nuggets sa kanilang paghaharap ngayong Sabado.
Sa kanilang laro, nagwagi ang Portland sa iskor na 128-109.
Sa end of first half, kontrolado pa ng Nuggets ang iskor ngunit sa second ay nag-iba na ang ihip ng hangin.
Tumulong naman sa panalo ng Trail Blazers si Deni Avdija na gumawa ng 36 points habang nag-ambag ng 23 points si Shaedon Sharpe.
Sunod na makakaharap ng koponan ang Boston Celtics na nagwagi naman kontra Utah Jazz.