Posibleng paghihiganti ng BIFF, pinaghahandaan ng PNP

Posibleng paghihiganti ng BIFF, pinaghahandaan ng PNP

PATULOY ang maigting na pagsasagawa ng checkpoint at intelligence gathering ng Philippine National Police (PNP) sa Maguindanao del Sur.

Ito ay matapos mapatay sa joint law enforcement operations ng pulisya at militar ang 7 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan Faction.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Redrico Maranan, hindi nila isinasantabi ang posibleng paghihiganti ng grupo lalo’t marami sa kanilang kasamahan ang namatay.

Nakaalerto aniya ang buong hanay ng PRO Bangsamoro Autonomous Region.

Nabatid na personal na tiningnan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang sitwasyon sa Maguindanao del Sur upang matiyak ang seguridad ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter