Posibleng pagiging diskontento ng mga miyembro ng PNP, pinabulaanan—PNP chief

Posibleng pagiging diskontento ng mga miyembro ng PNP, pinabulaanan—PNP chief

HINDI naniniwala si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na may miyembro silang diskontento sa pamamalakad ng organisasyon.

Bagay na wala siyang nakikitang rason na mag-aklas o bumaligtad ang mga ito laban sa kasalukuyang administrasyon partikular na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

“There is no reason for the PNP personnel to kumbaga babaligtad or magalit. Everything is being addressed,” saad ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr.

Ani General Acorda, pilit nilang ibinibigay ang pangangailangan ng lahat ng PNP personnel sa abot ng kanilang makakaya.

“Pinipilit natin ibigay ang lahat ng puwedeng ibigay. See any reason to be discontented or withdraw support na sinasabi or para pagresignin. I don’t see any reason,” giit ni General Acorda.

Matatandaang, personal itong nilinaw ng PNP chief sa publiko sa gitna pa rin ng kontrobersiyal na umano’y tangkang pagpapabagsak sa Marcos administration

Bukod sa PNP, una na ring nadawit ang AFP sa usapin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble