Posibleng paglabag ng PhilHealth sa Ease of Doing Business Law, iimbestigahan ng ARTA

Posibleng paglabag ng PhilHealth sa Ease of Doing Business Law, iimbestigahan ng ARTA

KASALUKUYAN ngayon ang imbestigasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung may paglabag ang PhilHealth sa Ease of Doing Business Law.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni ARTA Director General Jeremiah Belgica na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga stakeholder kaugnay sa mga posibleng paglabag ng PhilHealth sa government process.

Napag-alaman sa nagdaang pagdinig sa Kamara na mahaba ang proseso ng PhilHealth sa pagre-release ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism o IRM.

Narito ang bahagi ng pagtatanong ni Deputy Speaker Dan Fernandez kaugnay sa Ease of Doing Business ng PhilHealth:

Samantala ayon kay Belgica, maglalabas din sila ng rekomendasyon para maayos ng PhilHealth ang kanilang sistema.

Sa nagdaang hearing ay sinabi ni Deputy Speaker Fernandez na hindi aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Automated Payment System ng PhilHealth na paglabag umano sa batas.

Ayon kay Fernandez, dapat aprubado ng central bank ang lahat ng payment systems ng bansa.

Ayon pa kay Fernandez, posibleng maharap sa administrative charges ang mga opisyal ng PhilHealth dito.

Ani Fernandez, tatamaan ang opisyal sa ilalim ng Sec. 19 of RA 11127 or the National Payment Systems Act na may penalty na hindi bababa sa P200,000 at hindi lalampas ng P1-M sa bawat transaksyon at P100,000 naman para sa continuous violation at pagkakakulong ng hindi bababa sa sampung taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.