Posibleng pagtaas ng COVID-19 cases kasunod na election, patuloy na binabantayan – NTF

Posibleng pagtaas ng COVID-19 cases kasunod na election, patuloy na binabantayan – NTF

PATULOY na binabantayan ngayon ng National Task Force Against COVID-19 ang posibleng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa partikular na ang sub-variants matapos ang eleksyon.

Kinumpirma ni Dr. Ted Herbosa, ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, sa ngayon  wala pa silang nakikitang outbreak ng COVID-19 cases matapos ang apat na araw na eleksyon sa bansa.

SINABI ni NTF Medical Adviser Dok Ted Herbosa na nag-aantay pa sila  mula sa  tatlong araw hanggang limang araw na incubation period matapos ang nagdaang  eleksyon nitong Lunes upang matiyak ang pagsipa ng kaso ng COVID alinsunod  sa mga infectious disease specialists.

Paliwanag ni Herbosa sa ngayong wala pa namang silang  nakikitang outbreaks o surge cases ng COVID bunga na rin mataas na rate ng mga nabakunahan sa bansa.

Gayunpaman ani pa ni Dr. Herbosa, hindi pa rin dapat aniya na maging kumpiyansa na ngayong ang binabantayan ay ang  sub-variants.

“Well ang binabantayan ng National Task Force ay iyong mga sub-variants. Naalala ninyo mayroon tayong turista na nagdala noong tinatawag na BA2.12 na sub-variant na very infectious, more infectious than BA2 pero mayroon din iyong tinatawag na BA4 and BA5 na ngayon nari-report sa ibang bansa. So, ito iyong ating mga binabantayan and ito kasi are more infectious at may vaccine escape,” pahayag ni Dr. Herbosa.

Dagdag din ni Herbosa sa ngayon gumawa na ng magandang  plano ang NTF kung saan ang mga low vaccination rates area lalo na sa BARMM ay pupuntahan ng vaccination teams.

Ang bawat probinsya ay kanilang pupuntahan para pataasin ang bilang ng mga mababakunahan.

Paliwanag pa ng opisyal nangyayari kasi ang outbreaks sa mga lugar na mababa ang vaccination status.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), nakapag-detect na ang naturang kagawaran ng kasong Omicron BA.2.12.1

Dalawa ang naitala sa National Capital Region (NCR) at labing dalawa naman sa Purto Prinsesa, Palawan.

Ayon kay  DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sila ay nakapag-booster na kaya mild ang kanilang sintomas noon tinamaan sila ng virus.

Nakumpleto na rin ang mga araw na sila ay na –isolate, at sila ay naka-recover na rin, meron din ang mga ito na 39 close contact na ngayon ay asymptomatic

Sa ngayon ayon kay Vergeire patuloy na inaalam ng DOH ang kanilang vaccination status at kung sila ay na test na at natapos na ang kanilang quarantine period.

Samantala para naman sa mga bakunang hindi pa nagagamit, inihahanda na rin ng NTF Against COVID-19 ang pagdo-donate ng tatlong milyong doses   ng   Sputnik V   sa mga karatig  bansang kulang din ang bakuna.

Aminado din si Herbosa na mayroon nang isang milyong doses ng AstraZeneca ang nag-expire  pero ito ay pinangako ng COVAX na papalitan nila.

Ang mga nasabing bakuna ay mga pawang donation ng COVAX.

“So, so far alam ko ang Department of Foreign Affairs ang nag-aayos ng ating mga papeles for this donation. Ang una kong narinig na information and this can change, is doon sa ating mga ASEAN neighbors ‘no – I think Laos, Cambodia, Myanmar were mga target countries to receive these kasi kulang sila ng vaccines – Myanmar I think specifically for Sputnik. And then may na-mention din na African countries that want them,” ani Herbosa.

Samantala, saad din ni Herbosa kung mayroon pang mga puwedeng i-donate, ido-donate ng bansa ang mga bakunang hindi pa nagagamit  pero  ang gusto ng pamahalaan prayoridad ang mga pIlipino na hindi pa nababakunahan.

Patuloy na hinihimok ng pamahalaan na magpa-booster shot na ang mga kababayan na hindi pa tumanggap ng booster shot.