PINAG-usapan ng PhilHealth at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibleng partnership ng dalawang ahensiya.
Ito ay kasunod ng pag-courtesy call ni PhilHealth National Capital Region (NCR) Vice President Dr. Bernadette Lico kina MMDA acting Chairman Atty. Don Artes, General Manager Usec. Procopio Lipana, at iba pang opisyal ng ahensiya sa MMDA Headquarters sa Makati City.
Ayon sa MMDA na sa pamamagitan ng nasabing partnership ay mas mapapalaganap sa publiko ang programa na PhilHealth Konsulta.
Sa ilalim ng nasabing programa, makaka-avail ang mga members ng PhilHealth ng libreng konsulta, laboratory tests, at prescribed maintenance medicines.