Posisyon sa pagkapangulo at bise presidente, patuloy na pinag-uusapan pa ng administration party

Posisyon sa pagkapangulo at bise presidente, patuloy na pinag-uusapan pa ng administration party

MAY tila inaayos pa raw sa posisyon ng pagkapangulo at bise presidente sa PDP Laban Party.

Ito Ang kinumpirma ni vice presidential aspirant Senator Christopher ‘Bong’ Go sa panayam sa kanya ngayong hapon.

Sa kanilang naging pag-uusap kagabi, sinabi nitong may inaayos pa na mga bagay sa loob ng partido partikular na sa pwesto ng pagkapangulo at pangalawang pangulo.

Pero kung siya naman ang tatanungin, sa ngayon aniya, nasa isandaang porsyento na siyang sigurado sa pagtakbo sa bise presidente habang si Senator Bato naman ang pambato sa pagkapangulo.

Ngunit nilinaw din ng senador na bukas sila sa pagbabago sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikakaganda ng kanilang partido.

Samantala, inaasahan naman aniya na madagdagan pa ang bilang ng mga sasali sa senatorial slate ng partido PDP.

Bagama’t bigo na pinangalanan ang posibleng mga senador ng partido pero sinabi nitong may tatlo pang senatoriables na papasok sa line up ng PDP Laban

Ilan sa mga kumpirmadong nasa hanay na ng PDP Laban ang:

Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo

Presidential spokesperson Secretary Harry Roque

Public Works Secretary Mark Villar

Anti-corruption commission Chairperson Greco Belgica

Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta

Aktor na si Robin Padilla

Anchorman Rey langit

SMNI NEWS