INIHAYAG ng OCTA Research na bumaba na sa 21 percent ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 25 percent noong nakaraang linggo.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, bumaba sa 0.97 ang reproduction number o mas mababa sa 1 ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.
Gayunman, bahagya naman tumaas ang hospital occupancy mula 28 sa 29 percent.
Dagdag pa ni David, bagaman bumaba ang bilang ng impeksiyon sa Metro Manila, tumaas naman ang kaso ng COVID-19 sa ilang probinsiya ng Luzon kung saan 10 sa 18 binabantayang probinsiya ang patuloy na dumadami ang bilang ng kaso.
Base naman sa pinakahuling datos ng Department of Health, mayroong 15,621 na active cases ng COVID-19 ang buong bansa.