Positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 2%

Positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 2%

BAHAGYANG tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas sa 2% ang positivity rate sa NCR noong Marso 4, 2023 mula sa 1.6% noong Pebrero 25, 2023.

Bahagya rin tumaas sa 4.9% ang positivity rate sa Davao del Sur mula sa 4.1%.

Habang nasa moderate positivity rates na ang Misamis Oriental na may 9.1% at South Cotabato na may 10.8%.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa COVID testing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter