KINUKONSIDERA ng celebrity couple Hyun Bin at Son Ye-jin ang pagsasampa ng kaso laban sa isang content creator na nagpakalat ng balitang divorced na sila.
Noong isang linggo nang kumalat ang balita dahil sa isang video sa YouTube na nagsabing nagkasundo ang dalawa na mag-file ng divorce dahil sa umano’y pagkalulong sa sugal ni Hyun Bin.
Sinabi ng agencies nila Bin at Jin na VAST Entertainment at MSTeam Entertainment na walang katotohanan ang kumakalat na balita at inanunsiyong magsasampa ito ng legal na aksiyon laban sa content creator.
Bumida sila Jin at Bin sa sikat na hit show na Crash Landing On You at umamin ang dalawa na opisyal silang nagde-date noong 2021 at ikinasal din noong March 2022.