PINATAY ng Japan ang kontrol ng Moon lander nito tatlong oras matapos ang makasaysayang paglapag nito sa buwan noong Sabado.
Sa isang statement na inilabas ng Japan Aerospace Exploration, hindi naggegenerate ng power ang solar cells ng Moon lander pero posibleng maibalik pa ito.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng ahensya ang detalyadong analysis na nakuha ng Moon lander sa paglapag nito.
Ang Moon sniper mission na opisyal na tinawag na smart lander for investigating Moon o slim ay nilalayong marating ang crater ng buwan kung saan ang mantle na isang inner layer sa crust ay nakikita sa palibot nito.
Dahil sa tagumpay na paglapag ng Moon lander ng Japan, naging ikalima na itong bansa sa buong mundo na matagumpay na nakapaglapag ng spacecraft sa buwan.
Ang slim ay isa lamang sa maraming lunar missions na inilunsad ng gobyerno at pribadong kumpanya sa loob ng limampung taon matapos ang kauna-unahang human Moon landing.