Power trio ng Farm Fresh Foxies, maglalaro na sa pagbabalik ng PVL All-Filipino Conference sa susunod na linggo

Power trio ng Farm Fresh Foxies, maglalaro na sa pagbabalik ng PVL All-Filipino Conference sa susunod na linggo

MAAARI nang makapaglaro para sa Farm Fresh Foxies ang trio na sina Rachel Anne Daquis, Jolina Dela Cruz, at Lorene Toring sa resumption ng PVL All-Filipino Conference ngayong Enero 18, 2025.

Ayon sa coach ng Foxies, si Dela Cruz ay cleared na mula sa natamong ACL injury noong Nobyembre 2023 nang naglalaro pa lang siya sa ngayo’y binuwag nang F2 Logistics.

Cleared na rin para makapaglaro muli si Toring matapos nakapagtamo ng ACL injury noong Enero 2024.

Si Daquis naman ay nasa ‘top shape’ na niya bilang player matapos hindi nakapaglaro ng isang taon nang tinutukan niya ang itinayong bakery sa Spain.

Sa pagbabalik ng conference, Nxled Chameleons ang makakalaban ng Foxies.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble