ININSPEKSIYON ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga bagong pasilidad sa Passenger Terminal ng Manila North Port.
Kabilang sa mga bagong pasilidad ay ang Nursing Room, Prayer Room, Kid’s playroom at ang air-conditioned area para sa mga buntis, PWDs at senior citizen.
Sa ngayon, ay tuloy-tuloy ang dagsa ng mga pasahero sa pantalan kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Inaasahan ng PPA, na magpe-peak ang bilang ng pasahero pagsapit ng Disyembre 23.