PPA nangako ng maginhawang biyahe ngayong Semana Santa

PPA nangako ng maginhawang biyahe ngayong Semana Santa

TINIYAK ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang magiging problema ang mga pasilidad sa passenger terminal building ng Port of Batangas na pangalawa sa mga pantalan na may pinakamaraming bilang ng pasahero tuwing holiday.

Kaugnay rito, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na maayos na ang mga pasilidad tulad ng restroom, food stalls, ticketing booths, at baggage security scanner para matiyak na walang makakalusot na mga ipinagbabawal na gamit o produkto sa mga pantalan.

Prayoridad rin aniya ng PPA ang kalinisan upang maging maginhawa at maayos ang biyahe ng mga uuwi at magbabakasyon sa kani-kanilang mga probinsiya.

Nangako pa ang opisyal na hindi tulad sa NAIA, walang surot ang mga upuan ng mga pasahero na naghihintay ng kanilang biyahe, at malamig ang temperatura sa pasilidad.

Pinasisiguro naman ng PPA sa mga may-ari ng food stall na ang mga ibinebentang pagkain ay malinis at walang problema upang maiwasan ang kalat at anumang uri ng sakit.

Kaugnay rito, nakakumpiska ang mga security personnel sa Batangas Port ng mgs lighter, butane, balisong, kutsilyo, at itak o gulok sa mga pasahero na mahigpit na ipinagbabawal ng PPA sa pagpasok sa mga pantalan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble