PPO para sa 2 bagong probinsiya ng Maguindanao, pinagana na

PPO para sa 2 bagong probinsiya ng Maguindanao, pinagana na

PINANGUNAHAN ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. ang pag-activate sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office at Maguindanao del Norte Police Provincial Office (PPO).

Ginawa ito sa Regional Headquarters ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro Autonomous Region sa Camp Brigadier General Salipada K Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Ang 2 bagong PNP Units ay na-activate bilang Type “C” Police Provincial Offices at ang kanilang paglikha ay inaprubahan sa ilalim ng NAPOLCOM Resolution No. 2023-0213.

Ang Maguindanao del Sur PPO ay nakabase pa rin sa Camp Datu Akilan Ampatuan sa kabiserang bayan ng Shariff Aguak, na binubuo ng 24 na Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Roel Sermese bilang provincial director.

Habang pansamantalang nakatayo ang Maguindano del Norte PPO sa Camp Brigadier General Salipada K Pendatun, munisipyo ng Parang, na binubuo ng 12 municipal police stations at nasa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel James Gulmatico bilang officer-in-charge.

Matatandaan na ang 2 lalawigan ay nabuo, matapos pagtibayin ang RA 11550 sa pamamagitan ng plebisito noong Setyembre 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter