Prayer Mountain, isang sagrado at mahalagang lugar sa milyun-milyong Kingdom Citizens

Prayer Mountain, isang sagrado at mahalagang lugar sa milyun-milyong Kingdom Citizens

PRAYER Mountain – isa sa mga pinakamahalaga at sagradong lugar para sa milyun-milyong manggagawa ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na matatagpuan sa Tamayong, Davao City ang lugar kung saan pisikal na ipinanganak si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito rin ang lugar kung saan sa loob ng anim na taon ay sumailalim sa espirituwal na pagsasanay si Pastor Apollo bago pa man siya idineklara bilang Hinirang na Anak ng Diyos.

 “The Prayer Mountain, this is a very valuable place for every Kingdom of Jesus Christ Full-time Miracle Workers and also Kingdom members of the KOJC because this is the place where the Father has moved from the life of our beloved Pastor, from one single man to restoring lives of many,” ayon kay Bluesette de Guzman, KOJC Missionary Worker.

“Meaningful itong lugar para sa amin because this is where unseen sacrifices were made by our beloved Pastor. Hindi pa kilala si Pastor, nobody knew him, he was alone in this place. But he has proven himself countless times, his faithfulness to the Father. And out from that faithfulness, we are here Kingdom Citizens,” dagdag pa nito.

Ang Prayer Mountain ay isang sagradong lugar kung saan ipinapaabot ng bawat Kingdom Citizen ang kanilang mga dalangin sa Diyos.

Dito rin matatagpuan ang ACQ College of Ministries kung saan daan-daang estudyante ang nag-aaral.

“Dito inilagay ni Pastor ang Bible School, ang ACQ College of Ministries kasi gusto niya lahat ng mga students away sila sa pollution, away sila sa disturbance sa city, at maka-focus sila sa Word of God,” ayon kay Jed Albarico, KOJC Missionary Worker.

Illegal search ng PNP sa Prayer Mountain, isang kalapastanganan para sa mga KOJC missionary worker

Mapayapang namumuhay ang mga missionary worker ng KOJC sa Prayer Mountain hanggang sa nangyari ang karumal-dumal na pagsalakay ng mga armadong pulis noong Hunyo 10.

Isa ang Prayer Mountain sa apat na religious compound ng KOJC na marahas at ilegal na nilusob ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na ayon mismo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ay pinag-isipan at talagang pinaghandaan ng mga bayolenteng operatiba.

Nabalitaan ng mga KOJC missionary worker sa Prayer Mountain ang puwersahan at marahas na pag-atake ng PNP-SAF sa Central Headquarters at sa Glory Mountain.

Sa layong maproteksiyunan ang mga bata at matatanda na naninirahan sa loob ng Prayer Mountain mula sa matinding trauma na posibleng idulot ng ilegal na operasyon ng PNP, ay pinapasok na lang ng legal counsel ng KOJC ang mga pulis.

“We don’t want that to happen here na maging place siya of violence, magka-trauma pa ang mga tao, so napilitan na lang tayo na papasukin sila. We tried to put some order sa pagpasok nila,” ayon kay Atty. Eunice Ambrocio, Legal, KOJC.

To avoid any damages, to avoid more trauma for our KOJC missionaries, sa ating mga bata na nandito, so pinayagan na lang natin, napilitan na lang tayo na payagan silang pumasok,” dagdag pa nito.

Pero sa kabila ng pakiusap ng KOJC na tanging mga tauhan lang ng CIDG ang papasok sa mga gusali at iba pang imprastraktura ay pilit pa rin nilang isinama ang mga tauhan ng PNP-SAF na naka full battle gear sa loob.

“Ang sabi ng CIDG is para daw sa security nila. Why did they put that into their mind na, ano ba kami mga terorista? Mayroon ba silang nakitang armas sa amin? Ang dala-dala lang ng mga KOJC missionaries are cellphone,” giit ni Atty. Ambrocio.

Kinuwestiyon ng mga missionary worker na kung warrant of arrest ang isinilbi ay bakit kabaligtaran sa inaasahang operational procedure ang isinagawa ng CIDG?

Imbes na puntahan ang spesipikong lugar na pinaniniwalaan nilang naroon ang kanilang hinahanap, ay bakit isang ‘unreasonable’ o ‘illegal search’ ang kanilang ikinasa?!

Wala silang pinalampas at kanilang hinaluglog ang bawat sulok, bawat kwarto, at bawat pintuan sa mga building sa Prayer Mountain.

Maging ang kwarto ng mga nagpapahinga at nagpapagaling na mga senior citizen ay hindi rin nila pinatawad.

Palaisipan din sa mga missionary worker na kung bakit pati ang mga cabinet, refrigerator, freezer, at mga CR sa isang gusaling under-construction ay kanilang binuksan sa paghahanap ng isang tao?

“What are they looking for? They only presented us with a warrant of arrest. Tapos ganito ‘yung gagawin nila. What are they looking for? Did they any reasonable belief na nandito ‘yung iaaresto nila? Na every cabinet, kahit ‘yung cabinet na hindi magkakasya ang isang tao, inopen talaga nila,” ani Atty. Ambrocio.

Malinaw na ang ginawa ng CIDG at PNP-SAF ay paglabag sa karapatan ng mga KOJC Missionary bilang mga Pilipino na nakasaad sa Section 2 ng Article 3 ng Bill of Rights.

“Was the search reasonable? Ayon sa batas, no one should be subjected to unreasonable searches and seizures. Isa iyan sa mga rights natin under the 1987 Constitution. ‘Yung ginawa nila, they were searching the area without a search warrant,” ani Atty. Ambrocio.

“Kung titingnan mo grabe ‘yung violation with the right of privacy of the KOJC missionaries kasi pati ‘yung kwarto nila pinasok, yung ilalim ng bed tiningnan,” dagdag pa nito.

Illegal search ng PNP sa Prayer Mountain, nagdulot ng trauma at takot sa mga kabataan

Dahil sa naging operasyon ng PNP sa Prayer Mountain, nagdulot ito ng matinding takot at trauma sa mga batang kinupkop ni Pastor Apollo.

“Bigla silang dumating sa Gate 3 Coffee Shop. [Anong naramdaman mo ‘nun?] Nagulat, na-shock. Natatakot ako na babalik sila,” ayon kay Ryan, iskolar ng KOJC.

“We were praying po that walang harm sa KOJC compound. Maybe it will cause a major trauma,” ayon naman kay Rap na isa ring iskolar ng KOJC.

Si Ryan at Rap, hindi nila tunay na mga pangalan, ay dalawa lamang sa 10 bata na hindi nakasali sa kanilang graduation dahil sa nangyari.

Hindi rin maitago ng ilang Senior High School students ang kanilang takot at pagkadismaya sa mga pulis na dapat sana ay pro-protekta sa kanila.

“’Yung pinag-aralan namin na human rights at ang gobyerno, nawala ito ngayon. Kahit ikaw, kahit hindi itinuro sa amin na hindi sila respetuhin, pero nawala talaga ang respeto namin sa kanila. Siyempre ang respeto ay hindi naman hinihingi. Binibigay iyan kung karespeto-respeto ka talaga,” ayon kay Miya na isa ring iskolar ng KOJC.

Matapos ang insidente noong Hunyo 10, sumailalim sa stress at psychological debriefing ang mga kabataan sa nasabing KOJC religious compound.

Illegal search ng PNP sa Prayer Mountain, isang kalapastanganan para sa mga KOJC Missionary Worker

Para sa mga KOJC Missionary Worker, ang June 10, 2024 ay araw na hindi nila makakalimutan dahil ito ang araw na nilapastangan ng mga awtoridad ang kanilang mga sagradong lugar.

Nakatatak na sa kasaysayan na ang June 10, 2024 ay Day of Infamy.

At isa lamang ang idinadalangin nga bawat KOJC Missionary Worker, ang makamit ang hustisya.

“The question is – who commanded these military men to come. Do we deserve it? We don’t deserve any of this treatment. To be treated this way for us is not just an injustice, if there be a word more than injustice, that’s the term,” ayon kay Bluesette de Guzman.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble