PRC, tuloy ang operasyon sa gitna ng posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant

PRC, tuloy ang operasyon sa gitna ng posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant

NAGPAPATULOY pa ang operasyon ng isolation facilities at Emergency Field Hospitals (EFH) ng Philippine Red Cross.

Ito ay sa kabila ng posibleng pagpapatupad ng lockdown dahil sa Delta variant.

Inaasahan din ng PRC na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa bagong variant.

Inutos din ni Senator Richard Gordon, ang PRC chair at chief executive officer, noon pang buwan ng Abril ang deployment ng EFH upang mapalawig pa ang Lung Center of the Philippines (LCP) upang ma-handle ang tumataas na demand ng hospital beds.

Dahil dito, magkakaroon na ang LCP na mas marami pang bakateng higaan para sa mga posibleng malubhang pasyente na maa-admit.

Bukod pa rito, ginagawa ring temporary isolation facilities ang mga ‘di pa nagagamit na classroom ng Ateneo de Manila, University of the Philippines sa Quezon City, College of Saint Benilde sa Manila at Makati Science High School para sa mga asymptomatic patients.

BASAHIN: NCR, muling isasailalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20

SMNI NEWS