NANAWAGAN si Albay Rep. Joey Salceda sa mga lokal na pamahalaan na tutukan ang pre-positioning ng flood rescue at evacuation system ngayong panahon ng tag-ulan.
Partikular na sa mga lugar na may limitadong soil capacity o ‘yung mga low-lying areas na bahain kapag malalakas ang buhos ng ulan.
Saad ni Salceda na dating governor ng Albay, mahalaga ang pre-positioning phase para maging handa ang lahat sa bagyo at mabilis ang mobility ng mga asset.
At para doon sa mga lugar na flood prone ay dapat nakahanda palagi ang mga ito para anytime lagi ang deployment.
Kaya sa mga lugar na paulit-ulit nang binabaha, nawa’y magsilbing aral ayon sa mambabatas ang mga mapapait na karanasan para maging handa sa mga paparating na sakuna.
“So, mobility assets and evacuation preparations should be the highest priority. We already know what areas are likely to flood. Paeng already gives us painful hindsight on that,” ani Salceda.