Pre-registered vaccines, solusyon para sa malawakang pag-kakaaksaya ng COVID-19 vaccines

Pre-registered vaccines, solusyon para sa malawakang pag-kakaaksaya ng COVID-19 vaccines

IMINUNGKAHI sa Department of Health (DOH) na dapat pag-aralan ang pagkakaroon ng pre-registered vaccines.

Ito ay kasunod ng ulat na may nasayang na mahigit 31.3 million doses o nasa P15.6-B halaga ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Joey Concepcion, ang Go Negosyo founder, maiiwasan o mababawasan ang pagkasayang ng bakuna kung magkakaroon ng pre-registration.

Sinabi pa nito na nauna na siyang nagbigay ng suhestiyon kay DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na magkaroon ng pre-registering scheme sa mga empleyado mula sa private sector na nais magpabakuna.

Layunin nitong magkaroon ng sistema ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines hindi lang sa private sector kundi maging mga local government units.

Umaasa naman si Concepcion na ma-ikonsidera ang naturang suhestiyon.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter