INILABAS na ang unang teaser trailer para sa pelikulang Predator: Badlands.
Sa pagkakataong ito ay ang Predator na mismo ang magiging bida.
Sa opisyal na deskripsiyon para sa Predator: Badlands, ang setting ng pelikula ay nasa isang liblib na planeta kung saan mayroon isang batang Predator na itinakwil ng kaniyang angkan.
Ang naturang Predator naman ay naging kaibigan ng babaeng isang uri ng android.
Mula rito, sinimulan nila ang isang mapanganib na paglalakbay upang hanapin ang itinuturing nilang ‘ultimate adversary’.
Ang tinutukoy na kalaban ay isang dambuhalang nilalang na nasilayan sa trailer habang tumatakbo sa gubat bago humarap sa batang Predator.
Ang Predator: Badlands ay ipapalabas sa mga sinehan sa United Kingdom simula Nobyembre 7, 2025.