Preliminary hearing ni Pastor ACQ sa kasong Qualified Human Trafficking, isasagawa sa Pasig RTC ngayong araw

Preliminary hearing ni Pastor ACQ sa kasong Qualified Human Trafficking, isasagawa sa Pasig RTC ngayong araw

SASALANG sa preliminary conference si Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa laban dito at apat na kapwa akusado.

Gagawin ito alas-2 ng hapon, araw ng Miyerkules, Setyembre 25, 2024 sa Pasig City Regional Trial Court Branch 59.

Ang pagdinig sa kaso laban sa butihing Pastor na kauna-unahan mula nang mabasahan ito ng sakdal.

Gayunman, ayon sa legal counsel nito na si Atty. Israelito Torreon, sila lamang mga abogado ang pupunta physically sa korte habang dadalo si Pastor Quiboloy via video conference.

Nananatili sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame si Pastor Quiboloy dahil sa high security risk nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble