Preliminary investigation sa reklamo laban sa 2 arestadong managers ng POGO sa Pampanga, hindi pa agad maisasagawa ng DOJ

Preliminary investigation sa reklamo laban sa 2 arestadong managers ng POGO sa Pampanga, hindi pa agad maisasagawa ng DOJ

MAGSASAGAWA o isasailalim muna sa evaluation ng Department of Justice (DOJ) ang reklamo ng dalawang Chinese nationals na nasagip sa sinasabing illegal POGO sa Porac, Pampanga.

Kapag natapos na ang pagsusuri ay saka pa lamang itatakda ng DoJ ang idaraos na preliminary investigation para dinggin ang reklamo laban kina Qin Ren Gou at Jiang Shi Guang na umano’y mga managers ng Lucky South 99.

Sinabi ni Prosecutor Darwin Cañete ng Anti POGO Task Force na mga reklamong human trafficking, robbery with violence, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention ang isinampa ng dalawang biktimang kapwa Chinese.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo sa DOJ ang Chinese na nasagip ng mga otoridad na nakaposas sa frame ng kama at isa pa na may mga pasa sa katawan at mukha.

Ang dalawang manager ng POGO ay nakadetine na sa temporary detention facility ng PAOCC o Presidential Anti Organized Crime Commission sa Pasay City, habang at large o nakakalaya pa ang pitong iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble