UMABOT na ng halos 5-M (4.8M) views ang unang episode ng “Star Wars: The Acolyte” sa Disney+.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinaguriang record breaking ang views ng isang series premiere sa Disney+.
Hunyo 5 nang unang inilabas ang unang dalawa sa walong episode ng nasabing series.
Ang “Star Wars: The Acolyte” ay pinagbibidahan ng Korean actor na si Lee Jung-Jae, Amandla Stenberg, Manny Jacinto, Dafne Keen, Charlie Barnett, Jodie Turner-Smith, Rebecca Henderson, Dean-Charles Chapman, Joonas Suotamo, at Carrie-Anne Moss.