NAGBIGAY-pugay si United State President Joe Biden sa tinuturing niyang “bayani sa pulitika,” na si Martin Luther King Jr. sa ika-94 na kaarawan ng yumaong civil rights leader.
Sa isang sermon na may halong politika, nagsalita si Biden sa Ebenezer Baptist Church sa Atlanta, Georgia, at hinimok ang bansa na maging inspirasyon panghabambuhay ang misyon na “tubusin ang kaluluwa ng Amerika.”
Siya ang kauna-unahang nakaupong presidente ng Estados Unidos na naghatid ng sermon sa simbahang ito.
“Reverend Dr. Martin Luther King Jr. was a nonviolent warrior for justice, who followed the word, and the way, of his lord and his savior on this day of remembrance, we gather at Dr. King’s cherished Ebenezer,” ayon kay Pres. Biden.
Sa kanyang talumpati, na tumagal ng humigit-kumulang 25 minuto, binanggit ni Biden ang pananampalataya ni King at ang kanyang pangako sa pagkakapantay-pantay.
Sinabi ni Biden na masaya siyang nakamit ang makasaysayang hakbang na ito para sa Amerika.
Ngunit ang sermon ay mabilis na napunta sa politika nang talakayin ni Biden ang mga isyu sa ekonomiya at mga karapatan sa pagboto.
“This is a time of choosing of the direct choices we have. Are we a people who choose democracy over autocracy?” saad nito.
Ang sermon ni Biden ay naganap sa gitna ng mga imbestigasyon ng Department of Justice sa Pangulo matapos na matagpuan ang mga classified na dokumento sa kanyang opisina sa Washington, D.C. at tahanan nito sa Delaware.
Si Martin Luther King Jr. ay naging pinuno ng simbahang African-American at isa sa mga pinakakilalang pinuno sa kilusang karapatang sibil mula 1955 hanggang sa assassination nito noong 1968.
Isinulong niya ang mga karapatang sibil para sa mga people of color sa Estados Unidos ng walang dahas at pagsuway sa otoridad.
Ang Martin Luther King Jr. Day ay isang federal holiday sa Estados Unidos na ginaganap sa ikatlong Lunes ng Enero.