Pres. Yoon, makikipagpulong sa mga lider ng Estados Unidos at Japan sa NATO Summit

Pres. Yoon, makikipagpulong sa mga lider ng Estados Unidos at Japan sa NATO Summit

MAKIKIPAGKITA si South Korean President Yoon Suk-Yeol sa mga lider ng Estados Unidos at Japan sa Miyerkules habang ginaganap ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit sa Madrid.

Ang trilateral meeting na ito ang magiging kauna-unahang pagtitipon mula Setyembre 2017.

Samantala, hindi naman magkakaroon ng nakahiwalay na pagpupulong si President Yoon at Prime Minister Fumio Kishida ng Japan.

Nauna nang sinabi ng South Korea na plano nitong magkaroon ng malaking delegasyon sa NATO sa Brussels kasabay ng plano nitong magkaroon ng matibay na ugnayan sa organisasyon

Si Yoon na opisyal na naging presidente noong Mayo 10 ang kauna-unahang South Korean na presidente na dadalo sa NATO Summit.

Follow SMNI NEWS in Twitter