Pres. Yoon, nagpaabot ng Lunar New Year greetings sa mga South Korean

Pres. Yoon, nagpaabot ng Lunar New Year greetings sa mga South Korean

NAGPAHAYAG ng kanilang Lunar New Year greetings sa mga mamamayan ng South Korea si President Yoon Suk Yeol kasama si First Lady Kim Keon Hee.

Sa isang video message, inihayag ni Yoon na handa ang gobyerno nitong gumawa ng mga bagong hakbang para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Pinasalamatan din ni Yoon ang mga sundalo, mga police officer, at mga bumbero na patuloy na nagtatrabaho kahit holiday.

Matatandaan na bumalik noong Sabado si Pres. Yoon Suk Yeol matapos ang isang linggong pagbisita sa UAE at Switzerland. Lunar New Year

Ayon kay Yoon, ang kaniyang ginawang pagbisita ay nakapokus sa ekonomiya upang mas marami pang kakayahan ng mga negosyo sa bansa ang maipakita nito sa mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter