Presensiya ng mga paepal na politiko, di kailangan sa pamimigay ng ayuda—COMELEC

Presensiya ng mga paepal na politiko, di kailangan sa pamimigay ng ayuda—COMELEC

BINIGYANG diin ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia na hindi kailangan ang presensiya ng mga umiepal na politiko sa pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino o sector.

Kasunod ito ng sunud-sunod na pamamahagi ng ayudang pinansiyal ng maraming kumakandidatong politiko sa halip na DSWD ang mamahagi nito.

Ayon kay Chairman Garcia, hindi kailangang may politiko dahil kaya naman aniya ito ng DSWD bilang pangunahing ahensiya sa pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap.

Kung magkagayon, nilinaw ng COMELEC na posibleng bawiin nito ang exemption na ibinigay sa mga programa ng AKAP kung makikitaan ng pang-aabuso sa mga Pilipino gaya ng tahasang pagpapagamit sa mga epal na politiko.

Naniniwala ang COMELEC na hindi patas para sa mga politikong walang access sa pondo ng bayan para makapangampanya sa pamimagitan ng AKAP o iba pang programa ng pamahalaan na ginagamit ng mayayaman o may kayang politico.

Sa huli, binalaan mismo ng COMELEC ang DSWD sa posibleng absolute ban sa AKAP o magpapatuloy ito pero dapat may limitasyon.

Hindi rin papayag ang COMELEC na ang politiko ang magdikta kung sino ang bibigyan ng ayuda kundi dapat naaayon sa regulasyon ng pagpili ng mga benepisyaryo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter