Presidencia Clock Tower, bumida sa New Year’s countdown sa Mandaue City, Cebu 

Presidencia Clock Tower, bumida sa New Year’s countdown sa Mandaue City, Cebu 

KAKAIBA ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa siyudad ng Mandaue dahil bukod sa mga firework, sentro din sa countdown ang opisyal  na paglunsad ng Presidencia Tower Clock.

Ang naturang clock tower ay nakapuwesto sa Heritage Plaza ng siyudad, kung saan ito ay nagsisimbolo ng patuloy na pag-usad ng ekonomiya ng Mandaue City.

Ayon kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes, ang naturang clock tower ay simbolo ng mayamang pamana o heritage ng siyudad.

“The installation of a new landmark that stands tall along with our historic Mandaue Presidencia, a symbol of our city rich heritage. The Mandaue Clock Tower is a testament to resilience unity, progress, that define our beloved city. It signifies that Mandaue’s greatness, movement transcend the constraint of time and strength into the years to come,” ayon kay Mayor Jonas Cortes, Mandaue City.

Magiging atraksiyon din ito ng lokal na mamamayan at mga turistang bumibisita sa siyudad.

Dagdag pa ng alkalde, magiging gabay rin ito ng siyudad para malagpasan kung anumang mga kapagsubukang dumarating.

“Let this clock tower serves as a beacon, guiding us towards a Mandaue that thrive in the face of challenges, celebrates diversity and foster an environment where progress knows no bounds,” dagdag ni Mayor Cortes.

Sa pamamagitan ng inisyatibo ni Mandaue City First Lady Sarah Walker Cortes at pakikipag-ugnayan sa mga dalubhasang arkitekto na si Arch Buck Sia ng Zubi Designs Associates, Arch Erik at Karen Ong ng Ideal Builders at ni Marylou Ngo ng Magna CMGN Solutions Inc., naisakatuparan ang naturang proyekto.

Samantala, bukod sa Mandaue City, nagliliwanag din ang kalangitan ng Mactan Channel dahil dalawang malalaking event sa pagsalubong ng Bagong Taon nitong Enero 1 sa harap ng SM Seaside City Cube Wing na kaharap ng Pamosong CCLEX Bridge ginawa ang countdown ng Cebu City government na pinangunahan ni Cebu City Mayor Mike Rama at mga opisyales nito.

At magkalapit lang din ito sa New Year’s countdown ng pinaka-bagong integrated casino and hotel resort na Nustar Resort sa Cebu City.

Ayon naman sa pamunuan ng ng Police Region Office 7, base sa kanilang monitoring, generally peaceful ang buong Central Visayas nitong bespiras at unang araw ng 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble