President-elect BBM, dumalo sa Cityhood Celebration ng Bacoor

President-elect BBM, dumalo sa Cityhood Celebration ng Bacoor

DUMALO ngayong umaga sa ika-10 Cityhood Anniversary ng Bacoor City Cavite si President-elect Bongbong Marcos.

Kasama ni PBBM si Senator Bong Revilla, Governor Jonvic Remulla at outgoing Bacoor Mayor Lani Mercado.

Sinaksihan din ni PBBM ang tagisan ng galing ng mga marching band.

Ang Bacoor ay ang Marching Band Capital of the Philippines.

Isa ang Cavite sa mga nagdeliver ng landslide na panalo kay PBBM sa nagdaang eleksyon.

Mayorya sa mga opisyal at pulitiko ng Cavite ay ang UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang sinuportahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter