President Novak ng Hungary, nagbitiw sa puwesto matapos bigyan ng pardon ang isang preso

President Novak ng Hungary, nagbitiw sa puwesto matapos bigyan ng pardon ang isang preso

MATAPOS na bigyan ng pardon ang isang lalaking hinatulan sa kasong child sexual abuse, nagbitiw na sa pwesto ang Pangulo ng bansang Hungary na si President Katalin Novak.

Ginawa ni Novak ang kanyang resignation live sa telebisyon kasabay ng paghingi ng paumanhin dahil sa kanyang pagkakamali na patawarin o bigyan ng clemency ang preso.

Kasabay ng pagbibitiw ni President Novak si Judit Varga, ang namuno ngayon sa kampanya para kay Prime Minister Viktor Orban sa nalalapit na halalan.

Si Varga ang dating Minister of Justice na siyang nag-apruba sa naturang pardon.

Ang kontrobersiya ay nag-ugat nang isapubliko ang pangalan ng 25 katao na binigyan ng pardon ni Novak noong Abril 2023 nang bumisita sa Hungary si Pope Francis.

Isa sa naturang mga preso ay ang deputy director ng isang children’s home sa Budapest na hinatulang mabilanggo ng tatlong taon matapos na pilitin ang mga bata na bawiin ang kanilang testimonya ng pang-aabuso laban sa nakakulong na rin na direktor ng naturang child care home.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble