President Xi Jinping, bumisita sa Hong Kong

President Xi Jinping, bumisita sa Hong Kong

PINANGUNAHAN ni President Xi Jinping ng China ang paggunita ng ika-25 anibersaryong paglaya ng Hong Kong mula sa pananakop ng bansang Britain.

Dahil dito, mahigpit na hakbang at  seguridad ang ipinatupad ng mga awtoridad upang protektahan ang pangulo mula sa anumang peligro.

Kasabay ng pagdiriwang ng lungsod sa kasarinlan nito pinangunahan din ng pinuno ng China ang panunumpa ng bagong administrasyon na pinamumunuan ni John Lee Ka-Chiu.

Sa kanyang talumpati binigyang-diin ng Pangulo na dapat ay mahigpit na ipatupad ang one-country two system.

Nakipagkita rin ang Pangulo sa mahigit na 160 mga opisyales at ilang taga-suporta ng Beijing sa convention center.

Dumalo rin ito sa pagtitipon sa bahay ng papaalis na Punong Ehekutibo na si Carrie Lam.

Samantala inaasahan naman ngayong araw din ay babalik si President Xi sa Mainland matapos ang dalawang araw na pagbisita sa lungsod.

Follow SMNI News on Twitter