Presidential candidate Norberto Gonzales, nais maging first world ang Pilipinas

Presidential candidate Norberto Gonzales, nais maging first world ang Pilipinas

PAGTUTUUNAN ng pansin ni dating Defense Chief at presidential aspirant Norberto Gonzales na maging first world ang Pilipinas sakaling siya ang palarin na maging susunod na pangulo ng bansa.

Ani Gonzales, kailangan ihanda ang sambayanang Pilipino para tahakin ang direksyon na ito.

Sa isinagawang SMNI presidential debate, ipinanukala ni Gonzales na magkaroon ng pagbabago sa istruktura ng politika tulad na lamang ng pagsusulong ng charter change.

Kung hindi man aniya maging federal ay maaaring gawing autonomous ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas na isang magandang simula upang makamit ang hangarin na ito.

Follow SMNI NEWS on Twitter