Presidential Son at Davao City VM Baste Duterte, itinuturing na ring PUM

ITINUTURING na ring person under monitoring (PUM) si Presidential Son Davao City Vice Mayor Baste Duterte matapos magpakita ng mga sintomas ng COVID-19.

Ayon sa kapatid nitong si Davao City Mayor Sara Duterte, mayroong lagnat, ubo at sore throat ang bise alkalde at kasalukuyan ng naka-home quarantine.

Si Baste ay may travel history sa Metro Manila, apat na linggo na ang nakararaan.

Sinabi ni Mayor Sara na hindi mag-a-avail si Baste ng COVID-19 dahil sa limitadong suplay ng testing kits.

Aniya, mas makakabuting gawing available ang testing kits para sa mga may malalang sintomas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.