Presyo ng agriculture products posibleng tataas pa ayon sa AGAP Party-list

Presyo ng agriculture products posibleng tataas pa ayon sa AGAP Party-list

INAASAHAN na lolobo pa ang presyo ng agriculture products sa merkado kabilang ang lokal na karne ng baboy at manok.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate na halos umabot na sa 40% bunsod na rin ng gulo ng Ukraine at Russia. 

Inihayag ito ng President Federation of Pork Producers of the Philippines at kinatawan sa Kongreso ng The Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP Party-list) Nicanor Briones.

Sinabi rin ni Congressman Briones hindi lamang lolobo ang presyo ng agri-product ang posibleng mangyayari kundi magkaubusan na rin ng suplay sa merkado dahil sa patuloy na malalang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng baboy at manok. 

Isa aniya mga kadahilanan kung bakit haharap ang bansa sa tinatawag na food crisis ay una dito walang puknat sa pagtaas ng produktong petrolyo, kakulangan ng suplay ng mga imported na raw materials.

Kabilang dito ang trigo at gamit sa pagkain ng hayop, at kung may suplay man ay hindi na kayang bilhin ng mga negosyante dahil sobrang mahal, at ang patuloy na pananalasa ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon pa kay Briones, higit na maghanda ang mga mamamayan kapag natuloy ang banta ng mga kalapit nating mga bansa sa Asya na pigilin na rin muna nila ang pag-export ng pagkain tulad ng bigas.

Ang Pilipinas ay nakadepende sa mga rice exporting country tulad ng Vietnam, Thailand at India na nahaharap din sa World Food Security Crisis. 

Samantala, naniniwala rin si Briones na mas magiging malaki ang pagbabago sa takbo ng agrikultura sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Follow SMNI News on Twitter