Presyo ng asukal, mas tataas pa

Presyo ng asukal, mas tataas pa

PINANGANGAMBAHAN na ng mga tindera at mamimili ang pagtaas ng presyo ng asukal ngayong paparating na holiday season.

Ayon sa mga nagtitinda nito, hindi bababa sa P85 – P105 per kilo ang presyo ng brown at white sugar sa piling pamilihan sa Quezon City.

Dagdag pa nila na inabisuhan na sila na mas tataas pa ang presyo nito sa mga paparating na araw.

Dahil sa price adjustments, ilan sa mga lubhang apektado ay ang mga nagtitinda ng mga pang meryenda na ginagamitan ng asukal.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbebenta ng murang asukal sa tanggapan ng Sugar Regulatory Administration sa Quezon City na nasa P70 ang per kilo ngunit limitado lamang sa 5 kilo.

Follow SMNI NEWS in Twitter