POSIBLENG bumaba sa buwan ng Setyembre ang presyo ng asukal sa domestic market dahil magsisimula na rin ang milling operations sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI).
Ayon kay PCAFI President Danilo Fausto, pinag-isa ng mga sugar miller ang kanilang combined capacity na 8,000 metric tons kada araw.
Ang 86%-90% sa 200,000 metric tons na inangkat noong mga nakaraang buwan ay nasa mga local market na at makatutulong sa pag-unlad ng local supplies at sa pagbaba sa presyo ng asukal.
Sa kabila nito, hindi naman masabi ni Fausto kung magkano ang presyo na mababawas dahil ikokonsidera din ang presyo ng langis.
Suportado rin ni Fausto ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi payagan ang pag-angkat ng 300,000 MT ng asukal dahil puedeng madagdagan ang suplay ng asukal sa susunod na buwan.
Saad pa ni Fausto, hindi makatutulong ang importasyon sa mga local producer at maaaring mawalan ang 100,000 workers ng trabaho dahil sa pag-aangkat ng asukal.